fbpx

Stock Picks for the week by First Metro Securities

Check out the Stock Picks for the week by First Metro Securities in this special report which you can find only here in PinoyInvestor. (Needs premium access.)


READ REPORT

You Asked, I Replied – This Is How 17 Year Old’s Should Act And Think

In today’s post, I decided to publish an interesting e-mail conversation with a 17-yr. old student whose rather unique way of asking certainly caught my attention.

He sent his inquiries in pure deep Tagalog language.

He even asked me if I prefer discussing things in English. But because of the sheer eagerness of the kid to learn and invest at such a young age, I answered his inquiries and guess what, in pure, deep and exotic Tagalog too!

Read our little conversation below in pure Tagalog language. By the way, I intentionally omitted his name for privacy reasons. If you’re a teenager reading this, I hope you get inspired by how the way he seriously talk and thinks about money and investments.

Isa akong mag-aaral ng Ateneo de Manila High School. 17 yrs old pa lamang ako at pinaplano kong mag-invest pagtuntong ko ng 18 ngayong Hunyo. Gusto kong malaman kung saan ang pinakamagandang broker na mag invest. Sa aking mga nababasa, kadalasang ginagamit ng karamihan ang BPI Trade at COL Financial, ngunit hindi malinaw sa akin kung ano ang mas magandang gamiting broker. Maaari niyo po ba akong tulungan? Isa pang katanungan ay ano pong mga kumpanya ang magandang panimulan ng investment kung meron lamang akong salaping nagkakahalaga ng 40,000 pesos? Gusto ko rin po sanang matuto ng Value Investing at sana po magabayan niyo ako. Sa kasalukuyan, binabasa ko ang libro ni Benjamin Graham na “The Intelligent Investor”.

Ipagpaumanhin niyo po ang pag-gamit ko ng Filipino, ngunit gusto ko lamang paunlarin ang ating sariling wika. Kung nais niyo pong makipag-diskurso sa wikang Ingles, sabihin niyo lang po sa akin at gagawin ko. Maraming Salamat po!

17-yr. old na estudyante sa Ateneo De Manila High School

Kamusta _______?

Mabuti at sa iyong murang edad ay naiisip mo na ang mga ganitong bagay. Bihira ito sa mga kabataan ngayon at ako’y nagagalak dahil ang mga kagaya mo ang kailangan ng kasalukuyang henerasyon upang mapalaganap ang kaalaman pagdating sa pananalapi. At ngayon para sa iyong mga katanungan, paumanhin at hindi ako isang pinansyal na tagapagpayo. Bagaman, maari ko maibahagi ang aking mga munting kaalaman lalo na sa larangan ng pagiimpok sa pamilihan ng stocks.

1) Pagdating sa broker, COL Financial din ang gamit ko. Hindi ko masasabi kung maganda ba ang serbisyo ng ibang broker dahil hindi ko pa sila nasusubukan gamitin. Sa kabilang banda, ako’y lubusang nasisiyahan sa serbisyo ng COL at wala ako masyado masabi na hindi maganda sa serbisyo nila. Bilang payo, makabubuti kung may makakausap ka na nakagamit na ng ibang serbisyo ng broker upang sa ganon ay maipagkumpara mo ang kanilang mga pagkakahalintulad at pagkakaiba.

2) Pagdating sa kumpanya na pagiimpukan ng iyong salapi, mainam na mapag-aralan mo ang mga datos na maari mo makuha sa mga pinansyal na pahayagan na nilalabas nila kada sangkapat o sangtaon. Ang pinakakonsepto ng “value investing” ay ang paghahanap ng mga kumpanya na “mispriced”. Ibig sabihin, ikaw ay bibili lamang kung ang halaga ng stock ay mas mababa kumpara sa kabuuang halaga ng kumpanya. Malalaman mo ito sa pamamagitan ng mga datos. Kailangan mo tanggapin na ang “value investing” ay hindi para sa mga tao na mainipin at sa mga nagmamadaling kumita. Kailangan mo tanggapin na ang iyong pinagimpukan ay maaring mag “underperform” ng maraming taon bago ito mahinog at maani sa tamang panahon.

3) Mainam at binabasa mo ang Intelligent Investor. Isa lamang ang masasabi ko, napakaganda ng libro na yan lalo na sa mga naguumpisa pa lamang mag-aral tungkol sa pamilihan ng stocks. Yun nga lang, ito ay medyo komplikado. At dahil nabanggit na din naman ang tungkol sa mga libro, isa sa suhestyon ko na dapat mo ding mapag-aralan ay ang “Security Analysis” ni Ben Graham at David Dodd, “5 Rules of Successful Stock Investing” ni Pat Dorsey, “Margin Of Safety” ni Seth Klarman, at lahat ng mga librong naisulat tungkol kay Warren Buffett.

Kung may mga nais ka pang katanungan, huwag kang magatubili na sumangguni sa e-mail na ito. Maari mo din akong padalahan ng mensahe sa aking Facebook page. Maraming salamat sa iyong pagtangkilik sa aking blog at sana marami ka pang matutunan sa pagbabasa nito. Maligayang pagiimpok sa pamilihan ng stocks!

Mark, Ang Namumuhunang Inhinyero PH

Ako po’y mabuti.

Maraming salamat po sa inyong mga suhestiyon. Marahil ay hindi po kayo pinansyal na tagapagpayo, marami akong natututunan sa pagbabasa ng inyong blog. Isa na dito, ang ilan sa proseso sa pag-aaral ng mga datos sa pinansyal na pahayagan. Asahan niyo pong patuloy kong tatangkilikikin ang inyong blog at napakadami kong natututunan dito. Ako po’y nagagalak sapagkat hindi ko po inaasahan na sasagot kayo agad at sa wikang Filipino din.

Muli, maraming salamat po!

17-yr. old na estudyante sa Ateneo De Manila High School

Walang anuman _______.

Para sa iyong kaalaman, napili ko gamitin ang wikang Ingles sa paglalathala ng aking blog upang sa gayon ay mas kilalanin ito sa paghahanap sa Google. Ang wikang Ingles ang nagsisilbing “standard” na wika pagdating sa paghahanap ng isang indibiduwal ng makabuluhang impormasyon. Dahil sa pag-gamit ng wikang Ingles, mas maraming tao ang mararating at masisilbihan ng aking blog hindi lamang ng mga kababayan natin pati na rin ng mga banyaga na nagiimpok sa ating pamilihan ng stocks.

Huwag ka mag-alala, katulad mo, ako din ay isang simpleng Pilipino na mapagmahal sa sariling wika. Ako ay katulad din ng nakararaming Pilipino na nagnanais din na matupad ang mga pinapangarap gamit ang tamang kaalaman tungo sa landas ng pinansyal na kalayaan.

Mabuhay ka _______! Maligayang pamumuhunan!

Mark, Ang Namumuhunang Inhinyero PH

So what do you think? Let’s give him a proper advice by sharing your thoughts in the comments section below.

Happy investing!

P.S. If you want to ask me anything about stock market investing especially questions about Value Investing, don’t hesitate to send me your hi’s and hello’s to my contact page here. Or you can also send me messages in my Facebook page here… And oh yes, now that you know, I also speak pure Tagalog. 😀 (Pinoy to uy! Power!!)

P.S.S. I forgot to mention in my replies that I really don’t give advice on what stocks to buy. That’s the thing that every investor must decide on their own. But if you want to get quality stock advice and tips, I recommend two services for that. For easy investing using SAM strategy, head on to Truly Rich Club. For professional advice go to PinoyInvestor and sign-up for FREE.

  • February 20, 2017

Model Portfolios: Unloved, Value Play, Yield Seeker, Riding the Momentum

Looking for model portfolios to guide your stock picking decisions? Don't worry, we got you covered! Check out this special stock picks and model portfolio report today! (Needs premium access.)


READ REPORT
>